Mark 4:30-32

Ang Paghahalintulad sa Buto ng Mustasa

(Mat. 13:31-32, 34; Luc. 13:18-19)

30Sinabi pa ni Jesus, “Sa ano kaya maitutulad ang paghahari ng Dios? Sa ano ko kaya ito maihahambing? 31Katulad ito ng isang buto ng mustasa
mustasa: Itoʼy isang uri ng mustasa na mataas.
na siyang pinakamaliit sa lahat ng buto.
32Ngunit kapag naitanim na at tumubo, nagiging mas mataas ito kaysa sa ibang mga halaman, at kahit ang mga ibon ay nakakapamugad sa lilim ng mga sanga nito.”

Copyright information for TglASD